Magmula ng itayo ang DTC noong Abril taong 1975, nakita ng mga kasapi nito ang kahalagahan ng pagtataguyod ng isang
malinaw at konkretong pangkulturang programa sa Pasig. Ito ay binubuo ng iba't-ibang sangay ng mga kabataan na nagmumula sa
mga paaralan, unibersidad, komunidad at maging sa mga propesyonal na sektor. Layunin nitong makapagpahayag ng isang masining
na pagsasadula ng mga isyung pangkalikasan, sosyal, at pampulitikal.
|