Dulampasigan Theatre Company
Prinsipyo
Tahanan
Layunin
Prinsipyo ng Dulampasigan
Pamunuan
Mga Grupo at Indibidwal na Nakabahagi
Impormasyon etc...

wangis.jpg
Wangis

Ang Prinsipiyo

Ang Dulam ay may kaakibat na prinsipyong pang-organisasyon, pang-artistiko at pang-orientasyon.

1. Dula para sa Bayan

 Ang Dulam ay may tungkuling magbahagi ng kanyang sining at kultura, gayun din naman ang bayan ay may tungkulin din na maging bahagi para sa ganap na kaisahan at kamulatan sa kanyang lipunang ginagalawan upang sa gayon ay makalikha ng isang dulaang bayan.


2. Daluyan at Pandayan 

Ang Dulam ay may tungkuling magbahagi ng kanyang kaalaman sa pag-arte, pagsulat, pagsayaw, pagkanta o musika, o anumang sining panteatro na makapaghuhubog at makalilikha ng artistikong sambayanan.

3. Salamin ng Lipunan at Maging ng Personal man

Taglay-taglay ng Dulam ang isang prinsipyong maka-Diyos, makatao, makabayan, at maka-kalikasan upang ganap na maikintal sa isip ng mamamayan ang mga aral at mungkahi ng bawat pagtatanghal tungo sa pagsasabuhay ng diwa ng dulaan.

 

dula.jpeg
Dula